Grabe! Nasa hell na ba ako? Sobra sobra na kasi eh. Masakit na. Hay.
Ganto yun. Kahapon kasi ang subjects ko English, Dance, Tech and Maths. Kaklase ko si Nathan ng English, Tech tsaka Maths. Eh kapag Tech, kaklase din namin yung "GIRLFRIEND" nya. Tapos yun. During our Tech class, andun kami sa library kasi sira ata yung mga computers dun sa usual classroom namin. Eh di yun. Pina-continue samin yung exams namin. Andun kami nun sa may dulong table tapos yung grupo nina Nathan, dun lang sa table sa harap namin. As usual, magkatabi nanaman sila nung "GIRLFRIEND" nya. Hindi pa sila tapos ng exams. May chi-chi pa nga sila eh! Madaya! Nako. Anyways, since tapos na kami ni Ann ng exam namin kasi madali lang naman yun, pinakuha nalang kami ng teacher namin ng libro about Tech. Eh di ayun. Kumuha kami ng book kahit di naman namin binasa. Haha. Kwentuhan lang ng kwentuhan. Tapos ayun. After ng ilang minutes, pinaghiwalay si Nathan tsaka yung "GIRLFRIEND" nya ng teacher namin sa di ko malaman na rason. Siguro kasi nage-exam, magkaholding hands. SIGURO lang ha. Bwisit. Tapos si Nathan, di yata kayang wala si "GIRLFRIEND" sa tabi nya eh. Tinatawag ng tinatawag yung pangalan. Pinapalapit. Syempre di naman pwede kasi binabantayan ng teacher. After nun, tinapos lang ni "GIRLFRIEND" yung exams nya tapos tumabi na ulit siya kay Nathan. Tapos ayun. Kinuha na ni Nathan yung kodigo ni "GIRLFRIEND" para makapag-answer na rin siya sa exams niya. Grabe nun. Tinadtad ko nalang ng mura para hindi sumakit masyado. Nakakairita. Sa unahan pa namin naka-upo. Nananadya ata eh! Sarap tadyakan nung mga yun. Hay.
After nung kahapon, ngayon naman. Ganto, may English ulit ako kanina. Hindi namin kaklase si "GIRLFRIEND". Buti nalang. Then, pinapagawa kami ng activity about dun sa librong binabasa namin entitled "One day of the Year" which is referring to Anzac Day (commemoration day nila para dun sa mga soldiers na lumaban sa world war 2). After nung activity na yun, pinagawa ulit kami ng isa pang activity. About pa din sa Anzac Day pero yung difference, ang pinagawa sakin, Araw ng Kagitingan. Eh di ayun. Lumabas muna yung teacher ng room kasi daw may kelangan lang siyang gawin. Tapos si Jade, barkada ni Nathan, bigla nalang nagsabing
"Hey people. Nathan and Charlene are going out."
BUMMER! Eh nung before pa niya sinabi yun, ang iniisip ko lang eh malandi yung babae. Pano kasi 3 lalake daw nilalandi nun eh sabi nung barkada ko. Eh di syempre iniisip ko "Ay. May pag-asa pa pala ako. Hindi pa naman siguro sila eh. Malandi lang talaga etong babae." Tapos bigla nalang ganon?! Sobrang iritado ako kanina. Di ko nalang pinakita sakanila. Mahahalata eh.
Hay nako. Siguro kasalanan ko na din yung kasi 'di ko sinabi kay Nathan yung about sa feelings ko. Well, pano ko naman sasabihin sakanya kung hindi naman kami close diba? Tsaka ni hindi nga kami nun nag-uusap eh. Pano ko siya kakausapin? Eh palaging madaming taong nakapaligid sakanya. Hay. Siguro nga dapat kay Sam nalang ako. Wala na akong nakikitang
HOPE kung si Nathan ang pag-uusapan. Pero at least si Sam, hindi snob. Mas madaling kausapin. Namamansin. Hay. Sana makalimutan ko na yun si Nathan. WALA SIYANG KWENTA!
Haha. Naglabas lang ng sama ng loob. Para naman gumaan ang pakiramdam ko kahit papano. Hindi nga pala ako papasok bukas! Haha. Ang saya. Sports Carnival kasi samin. Eh hindi naman ako mahilig sa sports tsaka sabi ni Ann, kapag daw kulang ang players sa isang laro, bigla ka nalang hihilahin para maglaro. Nako. Ayoko nga. Hindi ako magaling sa sports eh. Even though andun sana si Sam. Maglalaro. Pass na muna 'ko. Haha. Katamad pa naman. Wala lang ginagawa. Nakabilad lang sa araw. Masarap din sanang magbilad sa araw kasi gantong winter. Pero ayaw. Haha. Kain-tulog nalang ako bukas. Haha. Sige. Later :D
Party. Party. Party!
Masaya 'tong araw na to. Madami kasing tao ngayon sa bahay buong araw. Hindi boring or malungkot yung atmosphere. Haha. Andito sina Ate Ehlee simula pa kanina tapos kaninang hapon, nagdecide silang pumunta ng Coles. Sabi ni Ate Claire sama daw ako. Eh di syempre sumama naman ako kasi andun si Nathan (btw, siya na pala yung new crush ko dito :D). Tapos ayun. Punta kaming Coles. Pagtingin sa EB Games, WALA! Anak ng! Nako. Inabangan ko pa man din yun. Di ko pa kasi siya nakita since nagbakasyon kami eh. Kaya ayun. Atat nang makita. Haha. Tapos since wala naman siya dun, eh di nilibre nalang ako ng ice cream nina Ate Claire. Even if malamig, nag-ice cream pa din kami. Haha. Oh di ayun, masaya nanaman ako. Tapos umuwi na ulit kami. Mga ilang minuto, nag-alok nanaman sina Ate Clara na lumabas daw kami. May bibisitahin tapos mang-gugulo sa KFC. Haha. Kaso lang kasi nagsabi si Papa na magsimba na daw kami ngayon. Eh di ayun, change of plans. Nang-gulo nalang kami sa KFC ng mga ilang minuto tapos dumiretso na sa church. Pagkatapos ng misa, susunduin na nina mama si ate sa KFC. Eh di kaming tatlo nina Ate Ehlee, Ate Claire tapos ako, walang magawa. Hindi namin alam kung san pupunta. Tapos punta kami sa bahay ni Ate Ehlee para iwan yung sasakyan nya. Mag-iinuman kasi sila eh. Then pumunta kami ng KFC sakay ng car ni Ate Claire. Wala na dun sina Papa. Try naming pumunta ng Tavern, yung bilihan ng alak, andun sila papa. Pauwi na. Eh di nauna na kami umuwi. Hinintay nalang namin silang dumating. Nakalock kasi pintuan ng bahay eh. Then ngayon, nag-mimini party kami ngayon. Inuman sila, tong-its tsaka videoke. Kanina nagsusugal ako pero tigil nako. Magcocomputer pako eh. Haha. Basta yun. Hanggang umaga kami dito. Masaya. Haha. Sige. Yun lang naman. Sa sunod ulit.
11:25 pm
Back to blogging
Hello sa lahat! Bumalik ako ulit dahil kay Ceej. Wala lang. Namiss ko din kasi ang pagba-blog kaya eto. Balik nanaman ako. As of now, wala pa akong magandang ma-iblog. Boring kasi ng buhay ko dito eh. Walang kwenta. Buti pa sa Pinas eh, madaming nagagawa. Hay nako. Basta. Yan nalang muna. Magpopost nalang ako kapag may bago na.
3:28 pm