<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d1282153076673566139\x26blogName\x3dMs.+Kate\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://xx-justagirl-xx.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_AU\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://xx-justagirl-xx.blogspot.com/\x26vt\x3d-3710492174689313023', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Thursday 23 July 2009
Effin' week

I HATE THEM!

Nakakairita kanina. Hate ko na yun si Nathan. Isama mo na rin yung girlfriend nya. Sobrang nakaka-badtrip! Ikekwento ko nangyari simula sa pagdating ko sa school kanina. Mahaba to so please be patient while reading this. Haha. Pasensya na. Ibubuhos ko lahat ng galit ko dito eh. Naging labasan ko na ata ng sama ng loob tong blog na to eh. Haha.

Ganito kasi yon. Kaninang umaga, eh di pumasok na kami ni Ann. Pumunta muna kami sa office kasi may ibibigay na form. Para dun sa driving program whatsoever. Ibibigay ko na din yung excuse letter ko for yesterday kasi diba absent ako. Tapos habang naghihintay kami for our turn dun, bigla nalang may pumasok na lalake at nashock ako! Guess who? Yup! Si Nathan nga. Nabigla nga ako eh. Hindi ko naman kasi siya usually nakikita kapag umaga before mag-start ang classes. Then ayun. Lumabas na siya. Binigay na namin ang kelangan namin ibigay. After ng PC, first period na. QCS class kami first and second period. Yung sa QCL, late na yung teacher, nang-sermon pa. Haha. Tapos second period na, QCN. Since may B.R.A.K.E. program kami, pinagcombine nalang yung magkakaibang klase. 3 klase kaming andun. Crowded nga yung room eh. Tapos andun din si Nathan, yung girlfriend nya tsaka yung iba nya pang barkada. Eh di syempre ilang nanaman ako nun. Katabi ko nun si Sheana (di ko alam kung tama spelling). Tapos andun kami nakaupo sa may malapit kina Nathan. Tapos tinanong ako ni Sheana kung gusto ko daw umupo dun sa may malayo-layong part kina Nathan. Syempre um-oo ako kasi ilang nga tsaka nakaka-badtrip tingnan yung dalawang yun. Lambingan ng lambingan. Nakooo! Haha. Eh di yun. Lipat kami ng upuan. Tapos, eto nanaman yung mata ko. May magnet ata para kay Nathan to eh. Nako. Ayun. Tumingin si Jade sakin sa di ko malaman na rason tapos nahuli akong nakatingin kay Nathan. PATAY! Lagot ako nito. Baka magsumbong. After ng ilang minutes, lumabas yung dalawa. Si Jade tsaka si Nathan. LAGOT NA TALAGA. Ayun na. Nagsumbong na ata! Grabe! Feeling ko sinabi talaga yun ni Jade kay Nathan. Nakakaasar. Tanga ko. Di kasi nag-iingat eh. Inignore ko nalang. Sabi ko, "Bahala na. Ok lang yan. Nakatingin lang naman ako diba?" Eh di yun. Back to normal. Haha. After ng second period, first lunch namin. Ayun. Chinika ko yun kay Ann. Sabi nya mag-ingat na daw ako. Haha.

Tapos after ng first lunch, third period. Since may papanoorin kami sa Undercover Area, wala kaming Maths. (Yay!) Lahat ng Year 11 andun including the two. (Boo! Haha.) Nanood lang kami ng palabas about sa depression. Wala namang kwenta. Haha. Then after ng 1 hour and 10 minutes ng kaboringan, second lunch na! As usual, nagkekwentuhan ulit kami nina Noreen and Ann about sa mga bagay bagay. Tapos pinag-uusapan namin kanina yung dalawa. After ng ilang minutes...BIGLANG DUMAAN! Talaga nga naman oh.
Eh si Noreen, biglang nagsabing "Speaking!" Shit. Busted. Grabe. Kinabahan ako dun! Papunta sila ng office. Pagkaalis nila, pinag-usapan namin yung nangyari. Ayun. Pinagalitan namin si Noreen. Hahaha. Tapos ayan na. Pabalik na yung dalawa. Nung papalapit na sila samin, bigla silang naghiwalay! Di ko alam ang rason. Akala ko hiwalay ang pupuntahan nila. Dalawa kasi daanan dun eh. One way is dun sa walang shed. Yung isa naman is yung may shed, kung saan kami nakaupo. Nagstop muna sila bago sila maglakad papalapit samin. Ewan ko kung anong pinag-usapan. Then si Charlene, dumaan dun sa may arawan. Si Nathan, dumaan sa may harapan namin. I was trying hard not to look at them and somewhat succeded. Kay Noreen lang ako nakatingin by the time na dumaan si Nathan sa harap ko. Nakita ko si Charlene na nakatingin kay Nathan, naka-smile na para bang scripted yung pagdaan niyang yun. Para bang pinag-usapan nila. Sabi nalang ako ng sabi kina Noreen na "Nananadya ata tong mga to eh!" As in sobrang nakakainsulto.
After ng nangyaring yun, pinag-usapan namin yun nina Ann. Pinag-isipan namin kung ano yung mga possible reasons kung bakit yun ginawa ni Nathan. Eto yung mga naisip namin:
  1. Nahalata nyang crush ko siya.
  2. Sinabi ni Jade sakanya yung about dun sa nangyari sa QCS class namin or
  3. Narinig at nagets nya yung sinabi ni Noreen na "Speaking!" (Sa lakas ba naman nung pagkakasabi nyang yun eh, hindi nya pa marinig? Nako! Eto na nga ata yung rason.)
Yung number 2 or 3 na ata ang pinakaposibleng rason. Grabe. Kaya pinag-usapan namin na simula kaninang period 4, di ko na siya titingnan. Wala na'kong pakialam sakanya. Hay. Ewan. Hirap ng buhay ditoo.

Kapag malas pa ulit ako bukas, talagang isusumpa ko tong week na to. Nakakabadtrip. Ang malas malas ko! Hay. Si Lordy nalang bahala. Sige. Hanggang dito nalang. Salamat sa pagbasa sa mahaaabaaaang blog na to. Haha.

8:38 pm happyy-stopp

Wednesday 22 July 2009
May pasok nanaman bukas. >_<

Ugh. Since Monday, nawalan ako ng ganang pumasok. Dahil dun sa mga nangyari. Anyways, may driving chu-chu kami bukas. Ewan ko ba kung ano ginagawa dun. Kakainin nun ang Maths class namin. Lahat ng Year 11 ang maga-attend nun kaya surely andun siya pati din yung si you-know-who. Siguro ok na din yun. May homework kasi kami sa maths eh. Hindi ko pa ginagawa. Haha. Nakakatamad kaya. Hindi pa naman ako sanay na gumagawa ng homework ever since nung nasa Pinas pa ako. Haha. 'Nuff said. Kelangan ko na matulog. Almost 9:30 na dito at kapag nagpalate pa ako ng tulog ko, tatamarin nanaman akong gumising bukas. I'm just updating my blog today kasi wala akong magawa? Hahaha. So, see ya!

9:17 pm happyy-stopp

Tuesday 21 July 2009
Ayoko na!

Grabe! Nasa hell na ba ako? Sobra sobra na kasi eh. Masakit na. Hay.

Ganto yun. Kahapon kasi ang subjects ko English, Dance, Tech and Maths. Kaklase ko si Nathan ng English, Tech tsaka Maths. Eh kapag Tech, kaklase din namin yung "GIRLFRIEND" nya. Tapos yun. During our Tech class, andun kami sa library kasi sira ata yung mga computers dun sa usual classroom namin. Eh di yun. Pina-continue samin yung exams namin. Andun kami nun sa may dulong table tapos yung grupo nina Nathan, dun lang sa table sa harap namin. As usual, magkatabi nanaman sila nung "GIRLFRIEND" nya. Hindi pa sila tapos ng exams. May chi-chi pa nga sila eh! Madaya! Nako. Anyways, since tapos na kami ni Ann ng exam namin kasi madali lang naman yun, pinakuha nalang kami ng teacher namin ng libro about Tech. Eh di ayun. Kumuha kami ng book kahit di naman namin binasa. Haha. Kwentuhan lang ng kwentuhan. Tapos ayun. After ng ilang minutes, pinaghiwalay si Nathan tsaka yung "GIRLFRIEND" nya ng teacher namin sa di ko malaman na rason. Siguro kasi nage-exam, magkaholding hands. SIGURO lang ha. Bwisit. Tapos si Nathan, di yata kayang wala si "GIRLFRIEND" sa tabi nya eh. Tinatawag ng tinatawag yung pangalan. Pinapalapit. Syempre di naman pwede kasi binabantayan ng teacher. After nun, tinapos lang ni "GIRLFRIEND" yung exams nya tapos tumabi na ulit siya kay Nathan. Tapos ayun. Kinuha na ni Nathan yung kodigo ni "GIRLFRIEND" para makapag-answer na rin siya sa exams niya. Grabe nun. Tinadtad ko nalang ng mura para hindi sumakit masyado. Nakakairita. Sa unahan pa namin naka-upo. Nananadya ata eh! Sarap tadyakan nung mga yun. Hay.

After nung kahapon, ngayon naman. Ganto, may English ulit ako kanina. Hindi namin kaklase si "GIRLFRIEND". Buti nalang. Then, pinapagawa kami ng activity about dun sa librong binabasa namin entitled "One day of the Year" which is referring to Anzac Day (commemoration day nila para dun sa mga soldiers na lumaban sa world war 2). After nung activity na yun, pinagawa ulit kami ng isa pang activity. About pa din sa Anzac Day pero yung difference, ang pinagawa sakin, Araw ng Kagitingan. Eh di ayun. Lumabas muna yung teacher ng room kasi daw may kelangan lang siyang gawin. Tapos si Jade, barkada ni Nathan, bigla nalang nagsabing
"Hey people. Nathan and Charlene are going out."
BUMMER! Eh nung before pa niya sinabi yun, ang iniisip ko lang eh malandi yung babae. Pano kasi 3 lalake daw nilalandi nun eh sabi nung barkada ko. Eh di syempre iniisip ko "Ay. May pag-asa pa pala ako. Hindi pa naman siguro sila eh. Malandi lang talaga etong babae." Tapos bigla nalang ganon?! Sobrang iritado ako kanina. Di ko nalang pinakita sakanila. Mahahalata eh.

Hay nako. Siguro kasalanan ko na din yung kasi 'di ko sinabi kay Nathan yung about sa feelings ko. Well, pano ko naman sasabihin sakanya kung hindi naman kami close diba? Tsaka ni hindi nga kami nun nag-uusap eh. Pano ko siya kakausapin? Eh palaging madaming taong nakapaligid sakanya. Hay. Siguro nga dapat kay Sam nalang ako. Wala na akong nakikitang HOPE kung si Nathan ang pag-uusapan. Pero at least si Sam, hindi snob. Mas madaling kausapin. Namamansin. Hay. Sana makalimutan ko na yun si Nathan. WALA SIYANG KWENTA!

Haha. Naglabas lang ng sama ng loob. Para naman gumaan ang pakiramdam ko kahit papano. Hindi nga pala ako papasok bukas! Haha. Ang saya. Sports Carnival kasi samin. Eh hindi naman ako mahilig sa sports tsaka sabi ni Ann, kapag daw kulang ang players sa isang laro, bigla ka nalang hihilahin para maglaro. Nako. Ayoko nga. Hindi ako magaling sa sports eh. Even though andun sana si Sam. Maglalaro. Pass na muna 'ko. Haha. Katamad pa naman. Wala lang ginagawa. Nakabilad lang sa araw. Masarap din sanang magbilad sa araw kasi gantong winter. Pero ayaw. Haha. Kain-tulog nalang ako bukas. Haha. Sige. Later :D

7:56 pm happyy-stopp

Saturday 4 July 2009
Party. Party. Party!

Masaya 'tong araw na to. Madami kasing tao ngayon sa bahay buong araw. Hindi boring or malungkot yung atmosphere. Haha. Andito sina Ate Ehlee simula pa kanina tapos kaninang hapon, nagdecide silang pumunta ng Coles. Sabi ni Ate Claire sama daw ako. Eh di syempre sumama naman ako kasi andun si Nathan (btw, siya na pala yung new crush ko dito :D). Tapos ayun. Punta kaming Coles. Pagtingin sa EB Games, WALA! Anak ng! Nako. Inabangan ko pa man din yun. Di ko pa kasi siya nakita since nagbakasyon kami eh. Kaya ayun. Atat nang makita. Haha. Tapos since wala naman siya dun, eh di nilibre nalang ako ng ice cream nina Ate Claire. Even if malamig, nag-ice cream pa din kami. Haha. Oh di ayun, masaya nanaman ako. Tapos umuwi na ulit kami. Mga ilang minuto, nag-alok nanaman sina Ate Clara na lumabas daw kami. May bibisitahin tapos mang-gugulo sa KFC. Haha. Kaso lang kasi nagsabi si Papa na magsimba na daw kami ngayon. Eh di ayun, change of plans. Nang-gulo nalang kami sa KFC ng mga ilang minuto tapos dumiretso na sa church. Pagkatapos ng misa, susunduin na nina mama si ate sa KFC. Eh di kaming tatlo nina Ate Ehlee, Ate Claire tapos ako, walang magawa. Hindi namin alam kung san pupunta. Tapos punta kami sa bahay ni Ate Ehlee para iwan yung sasakyan nya. Mag-iinuman kasi sila eh. Then pumunta kami ng KFC sakay ng car ni Ate Claire. Wala na dun sina Papa. Try naming pumunta ng Tavern, yung bilihan ng alak, andun sila papa. Pauwi na. Eh di nauna na kami umuwi. Hinintay nalang namin silang dumating. Nakalock kasi pintuan ng bahay eh. Then ngayon, nag-mimini party kami ngayon. Inuman sila, tong-its tsaka videoke. Kanina nagsusugal ako pero tigil nako. Magcocomputer pako eh. Haha. Basta yun. Hanggang umaga kami dito. Masaya. Haha. Sige. Yun lang naman. Sa sunod ulit.

11:25 pm happyy-stopp

Friday 3 July 2009
Back to blogging

Hello sa lahat! Bumalik ako ulit dahil kay Ceej. Wala lang. Namiss ko din kasi ang pagba-blog kaya eto. Balik nanaman ako. As of now, wala pa akong magandang ma-iblog. Boring kasi ng buhay ko dito eh. Walang kwenta. Buti pa sa Pinas eh, madaming nagagawa. Hay nako. Basta. Yan nalang muna. Magpopost nalang ako kapag may bago na.

3:28 pm happyy-stopp

Sunday 22 February 2009
Brandy - Long Distance

There`s only so many songs that i can sing to pass the time.
And i`m running out of things to do to get you off my mind (oh whoa).
All i have is this picture in a frame (oh ah),
That i hold close to see your face everyday.With you is where i`d rather be,
But we`re stuck where we are.
It`s so hard, you`re so far..
This long distance is killing me.
I wish that you are here with me,
But we`re stuck where we are
It`s so hard, you`re so far.. (so hard, you`re so far..)
This long distance is killing me.It`s so hard, it`s so hard, where we are, where we are, you`re so far.
This long distance is killing me.
It`s so hard, it`s so hard, where we are, where we are, you`re so far
(so hard, so hard, where we are, where we are, your so far).
This long distance is killing me.Now the minutes feel like hours
And the hours feel like days.. (whoa oh whoa)
While i`m away (way-ay)
You know right now i can`t be home (ah)
But i`m coming home soon (ah)
Coming home soon.. (ah a hah)
All i have is this picture in a frame (ah),
That i hold close to see your face everyday.With you is where i`d rather be (where i`d rather be..),
But we`re stuck where we are (oh oh).
It`s so hard, (oh ah) you`re so far.. (oh ah)
This long distance is killing me.
I wish that you are here with me (you are here with me),
But we`re stuck where we are (oh oh)
It`s so hard, (oh ah) you`re so far.. (oh ah)Can you hear me crying?
Ooh (oh-oh oh-oh)
Can you hear me crying? (oh-oh ah!)
Ooh (oh-oh oh-oh)
Can you hear me crying? (oh-oh ah!)
Ooh (oh-oh oh-oh)
Ooh woo whoa ah ah oh ah (oh-oh ah!)
Uh ah uh ah whoa0h ah (oh-oh oh-oh)With you is where i`d rather be (where i`d rather be..) whoa!
(but we`re stuck where we are) oh!
(it`s so hard) so hard (your so far), so far
(this long distance is killing me) this long distance is killing me
I wish that you are here with me (you are here with me) me..
(but we`re stuck where we are) stuck where we are! so hard! so far
This long distance is killing meIt`s so hard, it`s so hard, where we are, where we are, you`re so far.
This long distance is killing me.
It`s so hard, it`s so hard, where we are, where we are, you`re so far
(so hard, so hard, where we are, where we are, your so far).
This long distance is killing me.There`s only so many songs that i can sing to pass the time.

I love this song! Ang cute cute. Para sa mga may LDRs dyan! :)


8:47 am happyy-stopp

Friday 2 January 2009
Totoo ba to? :))

Kanina, naglilibot libot ako sa dating kong website. Yung xanga ko. Wala kasing magawa. Haha. Tapos, may nakita akong pinost ko dun dati. Nabigla nga ako pagkakita ko dun. Ehehe. Basahin nyo nalang.


Sabi ng mga lalake sila daw nahihirapan when it
comes to the whole procedure of making the girl
fall. They have to plan this and that...spend money
just to buy a simple teddy bear to make the girl
smile. They have to do almost everything just to
make us believe that when they say
"i love you" they mean it...Sabi pa nila sila ung
nahihirapan pag nagkakaroon ng LQ kasi dapat cla
pa ung gagawa ng 1st move at manunuyo. Mahirap
daw e...ung sitwasyon nila pag nababasted kasi
masakit daw un.

A girl's point of view:

So ur sayin...u love the girl and u mean it ey? That
u'll do everything for us NOT to cry, that u'll stay
with us even if everything becomes harder than it
seems, and u'll prove us that ur downright honest
with everything that u utter.
u expect us to believe that crap???? mga chong di
naman kasi kami ganun katanga eh...

hindi naman porke nakita lang namin na "ui ang
bait pala nya..." e mahal na namin kagad kayo!

sasabihin nyo samin na mahal nyo kami ni hindi
nyo pa nga kami ganun kakilala? makita nyo lang
na "ui ang pretty naman nya!ligawan ko kaya?"
tapos ano?mahal nyo na kagad kami? kaya nga
friends muna eh! para makilala nyo muna kami ng
mabuti para pag nagkarelasyon na ndi nyo
pagsisihan na nagsayang kayo ng panahong
manligaw. sasabihin nyo na ang strikto namin sa
lahat ng bagay pero pag kayo naman magpapaka
strikto may naririnig ba kayo samin?wala db?ocge
kung meron ano?cge nga...wala tlg eh!kasi sa
totoo lang mas marunong kami makaintindi kesa
sanyo..pag cnbi naming "ikaw lang..." hindi tlg
kami titingin sa iba.the moment na landiin
kami "may bf na ko.." un kagad e db?pero pag
kayo nilandi ni masabing kakilala nyo kami di nyo
magawa kasi gustong gusto nyo ung feeling na
may lumalandi snyo. so pano ba namang ndi kami
magiging strikto kung kayo mismo walang
magawa pag anjan na...

sabihin na nating mahirap manligaw...ocge
mahirap pala eh,bat nyo pa ginagawa???
pag ligaw di ibig sabhin nun magiging kayo na!
kaya nga ligaw e...dalawa sagot nyan sa huli,its
either ayaw tlg namin or oo subukan natin. tpos
sasabihin nyo masakit mabasted?expect the
unexpected.
di porke napayagan ka ng manligaw e oo na kagad
ung sagot namin kaya nyo lang
inaantay...kagaguhan un! shmpre papakita nyo lng
ung "good side" db?tapos pag naging kayo
na...wala na...lahat ng baho lumabas na. so sino
sa tingin nyo nagssuffer sa huli?kami db?wag nyo
sabihing kayo kasi kagaguhan ulit un!

minsan kasi pag alam na ng guy na mahal na
mahal na sila,ayan na...they'll start taking the girl
for granted. pag alam na nilang ang baba na tlg ng
pride ng babae kayo naman magpapahabol ganun
ba? tapos pag muka na kaming tanga
ipagmamayabang nyo pa sa mga kaibigan nyo db?
tssssss....tama db?buti nga kayo malasing lang
kinabukasan naka move on na e..palibhasa kasi
walang nawala snyo.e panu kaya kaming mga
girls??? kahit umiyak kami ng dagat wala naman
na kayong pakialam e.db?

so who's selfish now? girls pa rin ba?
we never asked u to fall for us & do everything for
us. it was ur own stupid decision to enter such
mess. u guys are lucky coz wr subtle enuf to tell u
the truth when we don't like u.


Grabe diba? Sobrang bata pa ako nung pinost ko yan! Jusko. [Gitilon talaga ako maski aki palang.] Haha! :)) The question is, "Totoo kaya yun?" Hahaha! :))


1:34 pm happyy-stopp